Gabay sa Magka-lovelife na Magkalayo
Gabay para sa Magka-lovelife na Magkalayo,
Ang relasyon ay hindi lamang sa mga nagmamahalan, kailangan din siyempreng mayroon kayong tiwala at respeto sa isa't-isa. Kung mahal mo ang isang tao'y magtitiwala ka sa kanya at hindi niya sisirain ang tiwala mo. Ang tunay na nagmamahal kahit na galit na galit ka sa'yong karelasyon ay hindi mo siya mumurahin at pagsasalitaan ng masama. Kahit pa sabihing sa chat lang iyon o video call, kapag nagsabi ka ng masama ay para mo na rin siyang binugbog.
Mas masuwerte pa nga ang magkarelasyong magkalayo dahil kahit na nagkikita lamang sila sa video chat at nagkakaroon lamang ng komunikasyon sa chat ay nagagawa naman nilang masuportahan ang isa't-isa. Dahil kasi magkalayo sila kalimitan ay nagdedesisyon silang huwag na mag-away pa. Puro sweetness na lang ang ibinibigay nila sa isa't-isa.
Nagkakaroon lamang ng problema sa pagitan nila kung pati sa chat at video call ay lagi silang nagtatalo. Kapag ang isa ay panay ang pagseselos. Siyempre, mapapagod din naman ang partner mo sa kaka-explain sa'yo na wala kang dapat ipagselos. Na trabaho lang ang dahilan siya naroroon.
Matutong magtiwala para irespeto ang inyong relasyon. Kung mawawalan kasi ng tiwala at respeto sa isang relasyon, malaki rin ang posibilidad na mawala ang pagmamahal. O, hahayaan mo bang mangyari iyon?

Comments
Post a Comment