Gabay para sa mga Taong Kuwatro
Ang mga Taong Kuwatro ay ipinanganak sa petsang 4, 13, 22 at 31. Sila ang mga taong nagkakaroon lamang ng biglaang suwerte kapag inalis niya sa kanyang puso't isipan ang pagiging negatibo. Hindi sila dapat makaramdam ng takot, galit at pag-aalinlangan. Ang dahilan, makakaramdam sila ng panghihina. Mahihirapan silang papasukin ang suwerte sa kanilang buhay.
Ang paraan para mawala ang negatibong damdamin at kaisipan ng Taong Kuwatro ay magsimba o magbakasyon. Sa pagsisimba kasi ay magagawa mong kausapin si Lord at magagawa mong mailabas ang lahat ng sakit na iyong nararamdaman kaya't gagaan ang iyong loob. Kung nakaramdam ka naman ng matinding kabiguan, halimbawang na-brokenhearted ka, maiging magbakasyon ka na lang muna. Maaari pang sa pupuntahan mo ay magiging daan para matagpuan mo ang taong itinakda talaga para sa'yo.
Kung ang kapaligiran mo naman ay nababalutan nang ka-negahan. Ito 'yung maraming tsismosa, lasenggero o mga taong nagbibigay ng masamang impluwensiya sa'yo, mas maigi pang umalis na kayo ng pamilya mo sa lugar na 'yan. Kahit ano kasing gawin mo, hindi ka na aangat pa. Ang kahinaan kasi ng Taong Kuwatro ay ang mga kanegatibuhan kaya kung aawayin mo ang Taong Kuwatro kahit gaano ka pa niya kamahal ay iiwanan ka niya.
Ang nais kasi ng Taong Kuwatro ay mamahalin mo siya ng walang pag-aalinlangan. Iyon bang tanggap mo siya mula ulo hanggang talampakan. Hindi kasi siya ang tipo na magbabago para sa'yo. Take it or leave it, wika nga.
Kailangan mo ring malaman na ang mga Taong Kuwatro ay hindi maaaring nakakulong lang sa iisang lugar. Sila ang mga taong dapat ay gumagala dahil doon sila sinusuwerte kaya naman ang ilan sa trabaho nila ay pagiging driver, seaman, flight stewardess, sales agent at mga OFW.
O, Taong Kuwatro ka ba?

Comments
Post a Comment