Gabay para sa mga Taong Tres
Ang mga taong ipinanganak sa mga petsang 3, 12, 21 at 30 ay tinatawag na Taong Tres. Sila ay emosyonal. Palagi nilang inuuna kung ano ang kanilang nararamdaman kaysa sa sinasabi ng kanilang isipan.
Kapag umibig nga ang Taong Tres, bigay todo. Walang pakialam kung may nasasaktan siya. Hindi rin siya nakikinig kung may mga kapintasan ang kanyang mahal. Ang mahalaga lang sa kanya ay nagmamahal siya. Kaya naman, seloso at selosa rin sila. Hindi rin nila maiwasan ang magduda kapag nagkukulang ang atensyon sa kanya ng partner niya.
Ang mga Taong Tres ay matindi rin magalit. Maraming masasamang salita ang lumalabas sa bibig niya kapag nagalit siya ng matindi. May mga pagkakataon kasing lahat ng nararamdaman niya ay kinikimkim lang niya kaya naman kapag napuno na siya ay mistulan siyang bulkan na sumasabog. Kaya kung ayaw ng Taong Tres na makahagilap ng kaaway, kasamaan ng loob o makahiwalayan ang ka-lovelife, maiging kontrolin ang emosyon.
Ang mga Taong Tres naman na walang ka-lovelife ay mas nagtatagumpay sa buhay, ang dahilan, mas napagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pangarap. Kapag kasi mayroon siyang karelasyon at nag-away sila ay madadala niya iyon sa trabaho.
Ang mga Taong Tres ay talagang nahihirapan na piliin pareho ang kanilang career at lovelife subalit may mga Taong Tres din naman na nagtatagumpay na pagsabayin ang kanilang career at lovelife sapagkat mas nananaig pa rin sa kanila ang determinasyon kaysa pagiging emosyonal.
Subalit, ang mga Taong Tres ay minsan lang talaga magmahal ng tunay. Kahit nga magkaroon pa siya ng ibang karelasyon ay mangingibabaw pa rin ang kanilang first love.
O, Taong Tres ka ba?

Comments
Post a Comment