Gabay para sa mga Taong Otso
Ang mga taong ipinanganak sa petsang 8, 17 at 26 ay tinaguriang taong Otso. Sila ang mga taong puno ng paghihirap. Mula pa pagkabata ay para na silang may pasan-pasang krus sa kanilang balikat. Kalimitan silang mga Taong Otso ay may broken home, madalas na nabu-bully at nabibigo sa pag-ibig. Kung isang babae ang Taong Otso, maaaring maging disgrasyada siya.
Ang buhay ng mga Taong Otso ay maikukumpara sa mga bida sa teleserye na aping-api. Parang tinatapakan palagi ang kanilang pagkatao. Kaya naman, ang makapagbibigay suwerte sa kanila ay lupa. Iyon kasi ang lumalabas na kapantay nila kaya't para suwertehin ang mga Taong Otso, kailangan nilang gawin ang alinman sa mga ito -- mangibang bansa, magtrabaho sa farm, magtinda ng prutas, gulay at bigas dahil ang lahat ng ito ay namunga at tumubo dahil sa lupa, maaari rin kayong magbenta ng kabaong, bahay at lupa.
Bakit kabaong? Tiyak na marami ang magtatanong nito. Siyempre, dahil ilalagay mo rin sa ilalim ng lupa ang kabaong. Kaya, malaki rin ang koneksyon ng kabaong sa lupa. Ang pangingibang bansa ay isa ring paraan para umangat ang buhay ng Taong Otso dahil sa tatapak siya sa ibang lupa.
Sabi rin sa kapalaran ng mga Taong Otso, ang mga chubby at matatabang Taong Otso ay higit na nagsasabi na sila ay nakatakdang yumaman. Dahil sa rami ng paghihirap na kanilang pinagdaanan ay hindi na nila gugustuhin pang maghirap.

Comments
Post a Comment