Gabay para sa mga Taong Uno
Ang mga Taong Uno ay 'yung mga ipinanganak sa petsang 1, 10, 19 at 28. Sila 'yung mga taong madiskarte, madaling magkapera pero magastos. One day millionaire kumbaga. Mahilig kasi silang magsabi ng 'bahala na bukas'.
Malalakas ang loob ng mga Taong Uno kaya sila ay mahilig ding magsugal. Hindi lamang sa pagtaya-taya sa kung anong uri ng mga sugal kundi pati na rin sa pag-ibig, pangingibang bansa, pagnenegosyo at pagi-invest. Kaya, isa sila sa mga yumayaman dahil wala silang takot na itaya ang lahat na mayroon sila. Kung mabibigo sila ay siguradong pupulutin sila sa kangkungan pero kapag nanalo naman ay siguradong pati ang mga kaanak nila'y magdiriwang.
May mga pagkakataon talaga sa ating buhay na kailangan nating tumaya dahil kung hibdi tayo maglalakas ng loob na gawin iyon ay tiyak na darating ang panahon na magsisisi tayo dahil habambuhay natin iisipin ang katanungang what if?
Ngunit siyempre, kailangan din namang maging matalino sa pagpili ng dapat tayaan. Ang mga taong uno ay magastos kaya kailangan niyang kontrolin ang sarili niya sa pagbili-bili ng kung anu-ano lang, sa halip, mag-invest. Bumili ng mga gintong alahas kaysa mamahaling bags, damit at mga kagamitan dahil ang mga ito ay naluluma at nasisira lang samantalang kung alahas bibilin mo ay tumataas ang value pagdating ng araw. Kung ganoon, maaari mo pa itong ipagbili sa mas mataas na halaga.
Bukod sa alahas, maaari ka ring mag-invest ng bahay at lupa, hindi mo man ito matirhan, maaari mo namang paupahan kaya ang babalik pa rin sa'yo ang perang ginastos mo o kaya naman ay maibebenta mo ito sa mas mataas na halaga.
Sa pag-ibig naman ang swak sa kanila ay iyong mga taong may kabaligtaran ng kanilang hitsura. Kung ang Taong Uno ay maputi, ang partner nila ay dapat na maitim. Kung ang taong uno ay maliit, ang partner nila ay dapat matangkad. Opposite poles attract together daw kasi. Ibig sabihin, mas susuwertehin ang Taong Uno kung baligtad ang hitsura ng kanilang partner pero mas magiging nasuwerte ang Taong Uno kung malaki ang tiyan ng kanilang partner.
O, Taong Uno ka ba?

Comments
Post a Comment